Minsan sa buhay natin naging mahina tayo sa pagharap ng mga pagsubok sa buhay. Pero madalas pag nalagpasan na natin yun nasasabi nalang nating "I'm much stronger now."
Sa lahat ng pinagdaanan o pinagdadaang pagsubok ay may kalakip na aral. Bawat stages na yun may mga tatatak sa puso't isipan natin.
Alam ko sa isang beses sa buhay mo nakapagbitiw na din kayo ng salitang "Ayoko na. Suko na ko". Pero tignan mo ang sarili mo ngayon. Nakatayo ka pa. Patuloy ka pa ding lumalaban sa lahat ng binibigay Nyang pagsubok para sayo. Kasi sa sarili mo alam mo na walang buhay kung susuko ka na lang agad.
Lahat tayo may iba't ibang pinagdadaanang pagsubok. Yung iba kayang kaya. Yung iba halos sumuko na. Pero isang lapit lang kay Bro. Lahat yan mawawala.
Trials and problems will turn into blessing.
Learn to pray. Learn to accept changes. Learn to fight and learn to MOVE FORWARD. :)
No comments:
Post a Comment