Paano nga ba ko nahook sa phenomenal love team?
I still remember it clearly. I was watching a random YT videos (August 2, 2015) and then I accidentally clicked on AlDub first meeting (July 16, 2015). Hindi ko namamalayan na pinapanuod ko na pala lahat ng videos nila. Even Maine's Dubsmash compilations and AlDub MVs. Dun sya nagstart. Hanggang hindi pwede matapos yung araw ko na hindi sila napapanood.
Sa tanghali I watch EB. Sa gabi naman nuon OTWOL at PBB. Eh nawalan ako wifi. Tipid ng data MB. Hanggang nawalan na ko ng gana at nagfocus nalang sa EB/KS. 😄
On that day I know that I am a certified member of ADN.
Paano nga binago ng ALDUB at ALDUB NATION ang buhay ko?
Simple lang.. Dumating ang ALDUB nun TP. Nung mga panahon na naguumpisa na ko matuto tumayo magisa. Nun panahon na unang beses ko malayo sa pamilya ko. Sila ung nagdagdag lakas para kayanin ko na lumaban araw araw. Binigyan nila ko ng dagdag inspirasyon.
Ang ALDUB NATION ang matatawag kong INSTANT talaga. Instant Friend. Instant Family. Sila yung dumamay sken nun mga panahon na naiisipan ko ng sumuko. Sila yung nakinig saken nun mga panahon na kailangan ko ng makakausap. Sa loob ng 7 months nandyan lang sila. Magkakaiba man kami ng trabaho pero lagi kaming may oras para sa isa't isa. Nun mga panahon na wala akong malapitan o makausap sila yung dumating. Sila yun nagpapalakas ng loob ko para kayanin ang buhay OFW araw araw.
Kaya kahit anong mangyari. Hinding hindi ko tatalikuran at iiwan ang pamilya na 'to. 🙋
How this Phenomenal LT influence me?
This young couple taught me to stay strong even how worst the day is. They inspires me to struggle at wag mag give up sa mga decisions na gusto kong maachieve. Sila yung nagmulat sken na God really has a perfect timing for everything! Sabi nga ni Alden "Keep the Faith". Kaya kahit ganu hirap at lungkot dito kinakaya ko. Kasi naisip ko yung mas bata sken nakakaya nila how much more ako na may KHALIL na paghuhugutan ng lakas. 😁
How my EVERYDAY goes by?
I woke up at 6 30. Bathing, taking bfast, giving baba food. At 8:30 hawak ko na fone ko kasi nakaabang na ko sa LS ng KS. Hanggang 9:30 na yun. After nun nakatutok na ko sa twitter. Abang abang sa BTS. Then TP happened. Grabe tutok ko nun. 41M tweets. Kahit iilan lang naitweet ko nun kasi PA pa gamit ko ramdam ko pa din na parte ako ng history na yun. 😊
December 10, 2015 I joined Ofc AD|MD Nation. At dun na ko nakikisabay sa lahat ng pakulo ng bawat FCs. Hindi na ko makabitaw. Kahit napupuyat ako makapagtweet lang. Haha!
Paano magbonding ang ADN thru social media?
Ganito.. Big accounts like AD Elites, Barakos, OAT, MaiDen, AlDub Pilipinas, AD Attys/MDs, Team Ambassadors, aboutaldub, NicoZey, ALDUBBigBoyz, SumasarabeBoys, atbp.. Magpapagames or trivia or question & answer portion. O kaya they will post something tas pagnagQT o reply ka they will answer back. Nakakatuwa lang ng sobra kasi instant friends. Kahit di ka fnfollow or di mo fnfollow nagkakaron ng interaction. Walang snob. Walang ere. 😁
Ang ADN binubuo ng iba't ibang uri ng tao, iba't ibang age bracket, iba't ibang personalities. Pero pag dating sa social media lahat kami pantay pantay. Meron man naligaw ng landas o may damong ligaw.. May bumabalik pa din. 👋
Masaya ko maging part ng ADN. Kasi kahit san sulok ng mundo may kaibigan akong matatawag. Bagong kaibigan. Bagong pamilya. Bagong self discovery.
Paano ako bilang ADN?
Hmmm.. Lagi kami nireremind ng admins namin na only spread GVs. Kaso pag lumabas ka at madami ka nakita at nabasang negatrons mapapapikit ka nalang at bibilang ng 1-10 kesa patulan. Nuon nangaaway pa ko eh. Ilan na din namblocked sken na tards. Haha! Pero sabi nga nila A&M spread GVs.
"dont bash what you hate instead spread what you love". 2 people younger than some of us at napapasunod nila ko/kami sa simpleng tweet lang nila. That is something.
Lagi ko sinasabi sa GC na may it be reel or real.. Marating man nila yun forever ng magkasama o hindi.. Mananatili akong ADN. I'll give them my 100% loyalty as a fan. At kahit anong mabasa at madinig kong nega sa kanila lang ako maniniwala. Kelangan madinig ko muna from them bago ko sabihin na totoo. 😄
As day passes by.. Nawawala man ang kinang ng dating ADN, umaasa at naniniwala pa din ako na in time maibabalik din namin yung dating samahan namin. Yung time na masasabi namin ulit na "UNITED ALDUB NATION" . Di ako nawawalan ng pag asa. Hanggang intact ang quota namin 1M tweets per day. Hanggang madaming big at small accts na nagpapakalat ng GVs. Kakapit pa din ako sa pemily na nagbigay sken ng dagdag inspirasyon. 👊
Kahit na pawala na ang ALDUB / ALDUB NATION kasi padating na ang MAICHARD / MAICHARD NATION. HAHAHA
Dalawang tao na pinagbuklod ng Tadhana.
Dalawang tao na nagbuklod sa buong ALDUB NATION dahil sa Tadhana.
Mula sa bawat sulok ng mundo..
Mananatiling matibay at matatag ang Pamilyang pinagbuklod ng AlDub! 🙋
CERTIFIED ALDUB NATION FOREVER! 🙌