We'll talk about love. Paano nga ba natin malalaman kung nainlove ka na?
Nasa bilis ba ng heartbeat yun? Eh paano kung heart attack na pala?
Nasa way ba yun on how you care for the opposite sex?
O nasa isip lang natin na we're in love to the word love?
Walang halong bitterness ang blog kong 'to. Promise! O:-)
Madalas natin sinasabi na ang saya at ang gaan ng pakiramdam pag "in-love" tayo. Yeah we could all say that. Kasi masaya tayong kasama yung taong mahal natin.
Pagkasama natin sila tawa tayo ng tawa. All out smile. Puro cheesy lines at sweet noting. Halos ayaw na natin humiwalay sa kanila. Yung ayaw na natin matapos yung day na kasama sila.
Pero pag sinubok na tayo ng pagkakataon at bigla naging shaky yung relationship dun na tayo nagiging magkakaiba.
Some of us are still trying to hold on. Kasi naniniwala sila na may pag asa pa. At ganun kalalim yung ininvest nilang feeling for their special someone.
Some of us just give up without even trying. Yun bang sa umpisa pa lang tinanggap mo na sa sarili mo na you lost this game.
I once believed in the saying that "In love there is always a winner and a loser". You just have to choose on which path are you going to take.
Being a winner in love doesn't always lead to happiness. What if nanalo ka nga pero hindi na pala ikaw yung gusto nya. He just chose you dahil sa pinagsamahan nyo? Di ba loser ka pa din nun in the end?
Based on my own experience (naks!) I believe that "love is a risk", because no one knows how this thing called love will end. Wala tayong idea kung ano ba mga pagdadaanan nyo as a couple. Hindi kayo prepared. All you have is one another. Kaya it's up to you kung you'll both face it or you will just accept defeat.
Akala ko dati when you found a partner puro happiness lang just like in fairy tales. I still believe in happily ever after until now. Kasi I've learned that in a relationship you both need to face those trials to make you stronger. Sa buhay hindi naman pwedeng puro saya lang kasi paano ka maggogrow? Di ba? :)
Kahit naman single ka pwede mo pa din sabihing in love ka. Kasi you're happy just by being with your family and friends. Alangan naman yung mga may bf/gf lang ang masaya?! Lol!
Pag ba nasaktan tayo hihinto na tayo sa pagmamahal? Syempre hindi. Kasi ang mundo bilog kaya hindi pwede na sa isang tao mo lang papaikutin ang buhay mo.
Ang sugat naghihilom at nagkakaroon ng peklat. Pero ang peklat na yon ang nagsisilbing patunay na meron kang natutunan.
Sabi nga "experiences are the great teachers". Kaya bakit natin halos isumpa yung mga ayaw nating nangyayari sa buhay natin? Kung natuto naman tayo. Dapat maging thankful tayo kasi at one time we met them. At dahil sa mga nanakit sa atin we learned something.
Kaya don't say ayaw mo na. Don't say na suko ka na. Kasi everyday may nalalaman at natututunan tayo sa takbo ng buhay.
Kaya live life. Love. Spread the word. And smile always kasi nandyan lang si "happiness".
Published with Blogger-droid v2.0.4

"Kahit naman single ka pwede mo pa din sabihing in love ka. Kasi you're happy just by being with your family and friends. Alangan naman yung mga may bf/gf lang ang masaya?! Lol!"
ReplyDeleteTHISSSS! :)