What comes in to our mind when we hear the word "friends"?
Di ba sila yung mga taong kasama mo palagi. Yung kausap at kakwentuhan mo about random things. Kasama mo sa tawanan at iyakan.
Pero para sa akin hindi lang dyan nagtatapos and salitang "friend".
Para sa akin sila yung mga tao na kahit hindi kayo everyday nagkikita at nagkakausap alam mo pa din na nandyan lang sila. Nakahandang damayan at suportahan ka.
Kaibigan..
Sila yung taong pangalawang nakakakilala sayo. Yung isang tingin pa lang nila alam na agad kung may mali.
Yung kahit anong sabihin o nagawa mo hindi ka nila agad huhusgahan hanggang hindi nadidinig yung panig mo.
Pag may mali kang nagawa sasabihin agad nila at ipapaliwanag. Ipapaintindi sayo kung bakit sa tingin nila hindi tama yung nagawa mo.
Pag may problema ka hihintayin ka nilang mag open up at yayakapin ng mahigpit after mo magshare.
Kagaya ng nasabi ko sa last blog kong "best things in life".. Ang KAIBIGAN ang instant kapatid natin.
Kahit may mga araw kayong nagtatalo dahil sa mga bagay bagay at the end of the day tatawanan nyo n lang yun.
Mahirap mahanap ang TUNAY NA KAIBIGAN. Pero pag sila nahanap mo na? Masasabi mong WORTH IT.
Sa pagkakaibigan parang "in a relationship" lang ang status nyo sa bawat isa. Kasi may demanding, may selosan, may kiligan moments, sweetness, tawanan, iyakan, tampuhan, awayan pero sa huli kayo pa din. SOLID!
Mas matibay pa nga ang FRIENDSHIP kung MAS madami na kayong PAGSUBOK na nalagpasan. Kasi alam nyo s sarili nyo na wala ng pwede sumira sa inyo.
Hindi naman nawawala ang bad day eh. Ang bad mood at bad vibes pero pag yan tinawanan nyo na ng mga kaibigan nyo, bigla na lang yan lumilipad at nawawala.
Kaya nga ako? Masaya ko kasi I already found THEM.
My friends for keeps. :-)
Yung mga kaibigan ko na kahit anong damit ang isuot ko mahal pa din ako. Kahit anong itsura ko tanggap ako. Kahit anong ugali ko hindi ako iniiwan.
Kahit may mga mali akong ginawa they still accept me with open arms.
Ang mga KAIBIGAN KO tatawanan lang ako sa mga embarrasing moments ko.
Boy Friends: sila yung nagbibigay kilig sa buhay ko. Sila yung ka-date ko. Sila yung kainuman ko pag gusto ko ng boys point of view. Sila yung nagagalit sakin pag may times na masyado na ko nagiging tanga at pag nawawala na ko sa sarili ko. Sila yun nagtatanggol pag may umaapi sa akin. Kahit babae pa yan.
Girl Friends: sila yun mga sisters ko kasi I have none in the real sense. Sila yung nagmumura sa kin pag sobrang mali na yung ginawa ko. Sila din yung unang unang nagagalit sa taong nakagawa sa kin ng mali. Wala silang pakielam sa sasabihin ng iba basta alam nilang nasa tama. Sila din ang nagturo sa kin kung paano maging matapang at lumaban.
I found friends. Real and true.
I'm so thankful that I have them. Kasi hindi lahat may kaibigan na kagaya ng mga kaibigan ko.
From Medalista to BSN 1-39 to OLFU to Tropang Sak Et.. Thank you. Kasi you've made my life complete.
Who needs love life when I already have the best guys as a friend and brother.
Who needs sister when I already have my own version of SISTERS. Isa lang winish ko pero ang dami ko nakuha.
My 2012 blessings are incredibly wonderful and unexpected.


Yung mga taong sagad ang pag-intindi sayo anumang arte mo. SAK ET :D
ReplyDeleteHaha oo ganun na nga. :D
Delete