Friday, September 3, 2010

FML!

Sometimes I keep asking myself "why?".

Bakit ba kasi minsan ang hirap lumaban sa buhay. Minsan laban ka ng laban tapos sa huli, talunan ka pa din. Parati ko naiisip na sumuko na lang. Na tama na.. Gusto ko sumigaw ng "pagod na ko". Alam ko.. Mas madaming tao mas nahihirapan kesa sa kin.. Pero iba laban ko.. Iba laban nila.. At hindi AKO sila.

Pinipilit ko paniwalain sarili ko sa isang bagay na kahit anu yatang gawin ko hindi ko din maaabot. Kahit gusto ko ulit sumubok, natatakot na kong mabigo ulit. Natatakot na ko na madisappoint yung mga umaasa sa kin.. Natatakot ako na baka sa pagkakataon na to hindi ko na talaga kayanin.

Akala ng lahat wala na sa kin yun. Akala nila ok na ko. Ang hirap hirap magkunwari. Ang hirap magkunwari na ayos lang lahat. Na naka-get over na ko. Pero hanggang ngayon naiinis pa din ako sa sarili ko kasi lagi na lang akong talunan.

Lahat ng nkapaligid sa kin sinasabi nila "ok lang yan." "madami pa naman next time eh". "magtake ka na lang ulit". Nakakasawa ng pakinggan. Minsan gusto ko naman marinig na "ayan kasi hindi ka nagaral ng mabuti". Kahit gusto ko maniwalang ok lang kahit hindi ako pumasa, hindi ko magawa. Ang hirap isipin na ayus lang. Madali para sabihing "ok lang yan" kasi hindi naman sila yung nabigo eh. Hindi naman sila yung umasa. Hindi naman sila naniwala sa wala. Ako.. Ako lang lahat ng yun. Kaya kahit anung pilit ko na maging ok hindi ko magawa!!!!

Wala ko maipagmalaki. Gusto ko maging matapang. Gusto ko matuto humarap ng mag-isa sa buhay. Pero panu ko yun magagawa kung hanggang ngayon hindi ko pa din maipasa yung board exam :(

Nahihirapan na ko. Natatakot.

Anu bang dapat kong gawin??

No comments:

Post a Comment