Wednesday, May 9, 2012

If only I could.. I will

Ang sarap isipin na malaya mong nagagawa lahat ng bagay na masaya kang gawin.

Kalayaang magawa lahat ng gusto mo na makapagpapasaya sayo.

Kalayaang masunod kung anu ang sa tingin mo na tamang gawin.

Kalayaang makapagdesisyon para sa sarili at hilig mo.

Kalayaang matuto sa sarili mong mga pagkakamali.

Kalayaang maging masaya kung paano mo patatakbuhin ang buhay mo.

Kalayaan. Freedom. Free will.

Ang daling bigkasin, ang sarap isipin. Pero mahirap gawin. At mahirap maabot. Lalo na kung merong tao na hindi ka pa kayang pakawalan.

Madalas pumapasok sa isip ko yung mga salitang "ang ibon kailangan pakawalan para matutong lumipad". Pero bakit minsan, ang tao, ayaw bitawan para matuto?

Ang hirap magdesisyon basta basta para sa sarili. Kasi may mga desisyon tayo na parating kinokontra ng iba.

Hindi ba pwedeng hayaan nila tayo sa kung ano ang gusto natin at kung magkamali man tayo matututo tayo sa mga maling desisyon natin?

Gusto nating maranasan yung pakiramdam na walang magagalit sa isang bagay na gusto nating gawin. Magdesisyon para sa sarili, na walang ibang iniisip kung tama ba o kung papabor ba sila?

Ang sarap matuto at maging masaya sa sarili mong paraan.

Ang bigat sa pakiramdam na hindi mo magawa kung ano ang gusto mo. Minsan kahit ayaw mo kailangan mong gawin para lang i-please ang isang tao.

Pero paano kung pagod ka na? Paano kung nagsasawa ka ng sumunod sa dinidikta ng iba? Ano ang gagawin mo?

Dapat na ba natin silang balewalain? Para masunod naman ang gusto natin. Pero paano kung sa simula pa lang sya na yung tao na gusto mong maging proud sayo? Ang kaso, sa pagpupumilit mo na maging perpekto para sakanya puro mali mo lang ang napapansin nya. At dahil sa mga ginagawa mo para sa kanya hindi mo na alam kung paano nga ba magdecide para sa sarili mo.

Nawawalan ka na pala ng sense of freedom kakaisip sa isang tao na hindi ka pa pala kayang i-let go. Nawawalan ka na ng chance para maggrow at tumayo para sa sarili mo.

Kung minsan tinatanong mo na ang sarili mo kung "sino nga ba ako?".

Ang hirap no? Lalo na kung mahal mo at importante sayo yung taong tinutukoy ko.

Kahit sabihin nating masaya ka sa piling ng mga kaibigan mo at kuntento ka.. Iba pa din yung pakiramdam na kaya mong manindigan para sa sarili mo.

Isipin mo na lang ang future. Hindi habang buhay nakadepende ka sa taong yun. Kailangan ding dumating yung araw na magkakaron ka ng sense of responsibility.

Everybody needs to grow. Our own personality and intellectuality. Dahil hindi natin alam kung ano ang possibilities na mangyayari sa hinaharap.

Kaya dapat ngayon pa lang ipaintindi na natin sa kanila na WE ARE MATURED ENOUGH TO KNOW WHAT'S GOOD FOR US. IF WE FALL DOWN THEN IT'S OUR CHOICE. NO ONE'S TO BLAME BUT OURSELVES. Defend yourself. Stand up and let them understand what you truly feels.

"If only I have the guts to do all of these. Then I can shout to the world that I AM ME. I NOW KNOW MYSELF MORE THAN ANYBODY!"

But sad to say I can't, because I'm afraid to hurt her feelings. I'm afraid to be her biggest disappointment again. I just wanted to be the best daughter but still I'm a failure.

Everyday I pray to Him to please grant me to have enough courage to say these things to her. Pero paguumpisahan ko na at pag akala ko na ready na ko magsabi.. Makaharap ko lang sya.. All the bad negativity flows back on me again and again.

Hanggang kailan tayo matatakot ipakita sa kanila na kaya nating maging independent? Hanggang kailan tayo makukulong sa negative thoughts? Hanggang kailan tayo magtitiis na gawin ang mga bagay na hindi na tayo masaya?

All of these will remain as a big question mark.

Until that day comes..



Published with Blogger-droid v2.0.4

No comments:

Post a Comment