Wednesday, June 6, 2012

That Gloomy Feeling


May araw na bigla na lang tayo nalulungkot ng hindi natin alam kung bakit.

Syempre paulit ulit mo lang na itatanong sa sarili mo kung bakit ka nga ba nalulungkot.

Bakit nga ba?!

Sabi ng iba yun daw yung mga naipon na sad moments sa buhay mo na binalewala mo.

Yung mga luha na pinigilan mong pumatak.

Minsan iisipin mo kung ano nga ba yung mga bagay na pinigilan mo yung sarili mo na maging malungkot?! Bakit mo kelangan isuppress yung feelings mo that time?

Kaso kahit anong isip natin nun panigurado hindi na natin maaalala. Pwede kasing reason yung ayaw mo magpaapekto sa ginawang panloloko sayo ng isang tao. O kaya ayaw mong isipin nuon na pabigat ka lang. Pwede din na nasaktan ka pero gusto mo ipakita na matapang ka.

Madalas kasi ayaw natin ipakita sa iba na nasasaktan at nahihirapan na din tayo sa sitwasyon (Panira kasi ng good mood yun eh).

Kaso pagmagisa nalang tayo mas ramdam natin yung "gloomy" feeling. Tas habang iniisip mo yung reason kung bakit, bigla na lang tutulo yung luha mo.

Pero after nun kahit paano gagaan na yung pakiramdam mo. Makakatulog ka na ng maayos.

That gloomy feeling.. That most of us girls are experiencing is one of the proof how strong we are on facing our problems and fears.

Stronger. You. :)

Published with Blogger-droid v2.0.4

No comments:

Post a Comment