Wednesday, June 27, 2012

Cowardly Coward

Ang buhay hindi nawawalan ng problema. Ang problema kadalasan paikot ikot lang. Mawawala panandalian pero babalik at babalik din ulit. Ang problema nakadikit na sa bawat tao. Na kahit anung gawin natin mananatili lang dyan habang nabubuhay tayo.

Iba-iba ang bawat problema na pinagdadaanan ng bawat tao. Kung minsan sasabihin nating "mas mabigat pala dinadala nya" o kaya "wala yan sa problema ko". Lagi dapat nating isipin na magkakaiba tayo sa pagharap at pagdadala ng bawat problema. May mga taong matapang at lumalaban. May mga taong duwag at sumusuko nalang.

Siguro sa pinagdadaanan ko ngayon.. Nandun ako s linya ng "taong duwag". Duwag in a sense na hindi ko kaya. Kahit sinusubukan kong harapin yung "Biggest Fear" ko.. Makita ko pa lang umuurong na ko without even trying.

Kahit ang bigat bigat na ng luob ko at napapagod na ko, at wala ng ibang choice kung di harapin sya madalas pa din ako pangunahan ng takot.

Sabi ng mga kaibigan ko "kung hindi ngayon, kelan pa?". Hindi ko din masagot yung tanong nila. Kasi hindi ko alam kung paano haharapin ang takot ko. Hindi ko alam kung paano ako maguumpisa. Nahihirapan na ko pero wala akong lakas ng loob para magsalita at sabihin lahat ng nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako matatakot. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magiging duwag. Ang hirap magmove forward kung may dinadala kang mabigat sa puso mo. Ang hirap sa pakiramdam yung hindi mo masabi lahat ng nararamdaman mo.

Tama ako diba?

Ang takot nasa isip lang daw ng tao. Pero bakit nakakaapekto sa puso? Pag natakot ka biglang titibok ng mabilis yung puso mo. Na minsan kulang nalang lumundag palabas ng sternum mo.

Wala bang nabibiling gamot pampaalis ng takot?? Haha! Kasi sa totoo lang napapagod na din ako matakot. Napapagod na ko mawalan ng tiwala sa sarili ko. Napapagod na ko..

Kailangan nating lahat na matutong harapin at labanan ang mga takot natin sa buhay. Kasi kung lagi nalang tayo pangungunahan ng takot hindi tayo matututong maging matapang. Habang panahon nalang tayo makukulong sa takot na pwede naman nating harapin.

One day.. I will face this fear.
One day.. I will have the courage to say what I feel.
One day..

Published with Blogger-droid v2.0.6

1 comment:

  1. Wag mo kasing iipsiping natatakot ka. Nakakaapekto sa puso kasi mahal mo ang mga taong involve dito. At kelangan ding mawala ang takot na yan kasi para rin sa inyon kapakinabangan :)

    ReplyDelete