Thursday, July 11, 2013

Moving FORWARD... ^_^

My First Official MRV Uniform!!! :D
DREAM COME TRUE!!!! At last.. After how many years of dreaming. Finally! Eto na yung moment na masasabi ko na "I'm Moving Forward.." The very first time na super saya ng pakiramdam ko kasi for the first time walang humadlang sa gusto kong gawin. :) Ng matanggap ko yung text ni Sir Rodan na "Good news. Officially IN na kayo sa MRU". Hindi ko alam kung paano irerelease yung sobrang happiness na nararamdaman ko that day eh.

June 1, 2013: First meeting with the MRU and co-volunteers.
June 19, 2013: First Official Meeting of MRU&MRV at MRU office.
July 1, 2013: Introduction and Courtesy Call of MRU&MRV at Meycauayan City Hall.


My MRU&MRV Family!
Akala ko dati mahihirapan ako na maging kaibigan sila. Hindi ko expected na magiging kaclose namin ang "HAPPY GROUP" ng MRU. Hehe! Sobrang swerte ko kasi hindi nila ko pinapabayaan. Tuwing kailangan ko ng tulong parati lang sila nandyan nakaalalay sa bawat gagawin ko. Tinuturuan at pinagsasabihan nila ko tuwing meron akong mali na nagagawa. Literal na "Kuya" na yung treatment ko sa kanila. Anu pang hihilingin ko? Wala na..

Kuya. Coach. Leader. Idol. Bunso. Ate. Nasa kanila lahat eh. 

Because of them.. Nagkakaron na ulit ako ng tiwala sa sarili ko. Naniniwala na ko ulit na may mga bagay na kaya kong abutin at kaya kong gawin. Ng dahil sa kanila natuto na ko magtiwala sa kakayahan ko.

Sila.. Silang lahat ang inspirasyon ko ngayon. Ng dahil sa kanila pakiramdam ko bumalik yun mga nawala sa akin noon. Kaya abot abot ang pasasalamat ko kasi nakilala ko sila. Nakaclose. Naging kaibigan. Kung pwede ko lang isave lahat ng text conversations namin.. Kung pwede ko lang ivideo lahat ng unforgettable moments namin.. Ginawa ko na. Haha!



Introduction @ City Hall
Meycauayan Rescue Unit and Volunteers. You will stay as a part of me for the rest of my life! Kung dadating man yung araw na we have to separate ways.. Alam ko at nararamdaman ko na mananatili kayong parte ng buhay ko. ^_^

Sa 6 months na nakilala ko sila pakiramdam ko napakadami na naming pinagdaanan. Nagstart lang kami sa training na binigay nila para sa community ng SMASN. Naging textmates. Naging friends. Naging buddies. Ngayon naging team.









Rescues!!!!!
Alam ko po madami pa kayong ituturo at madami pa kaming matututunan sainyo. Kaya ngayon palang NAGPAPASALAMAT na ko ng SOBRA!!!! Mahal ko po ang buong MRU&MRV (Group A not included. HAHA!)

No comments:

Post a Comment