Friends. How can you define them?
Well honestly I have lots. Different attitudes. Different personalities. Different genders. Different ages.
But how can you tell if they are true or not?
Is it how they compliment you? Pwede din naman.. Kasi sino pa ba magbobolahan kundi magkakaibigan din.
Is it how they uplift you? Pwede din. Kasi who will pick you up when you feel the world is against you? Friends.
Is it on how they treat you? Para sken wala sa treatment yan. As long as that person is true to me I don't care kung murahin nila ko, walwalin nila pagkatao ko. As long as they will never talk behind my back.
Friends are one of the most precious blessings I have that is why I'm keeping them well. Hindi ko din sinusukat ang friendship sa tagal ng pagkakakilala ko saknila because I know when I see one. Nararamdaman ko yun kung totoo sila saken o nagkukunwari lang. Nasa paraan din un ng kung paano ka kausapin ng isang tao at nasa warmth ng pagtingin nya sayo.
Sa pag aassess ko ng sarili ko I'm a better friend than a lover. Mas passionate, mas sweet, mas cuddly, mas touchy, mas clingy at mas open ako sa kaibigan. Mas naipapakita ko pa ung totoong ako without getting afraid of being rejected or matturn off sila saken. Hindi ako takot mahusgahan. Sa lahat ng pinagdaanan ko sa buhay narinig ko na ata lahat ng masasakit na salita na ppwedeng ibato sa pagkatao ko. At hindi ko sila masisisi dun kasi yung ung nakikita nila.
Friends.. sila yung kahit bago palang kayo magkakilala you can easily open up for them. Yung komportable ka na kausap at kasama sila. Na kahit anung sabihin mo they will never judge you.
Friends.. on the long run. Sila yung kahit paminsan minsan lang kayo naguusap (please note the paminsan minsan hindi yung totally wala na) you know na nandyan lang sila at anytime na kailanganin mo ng makakausap ppwede mo pa din sila lapitan.
Friends.. wala yan sa estado ng buhay o edad. Nasa pagiging totoo at pagtitiwala yan sa isang tao. If you don't trust one person how can you say na totoo yung pinapakita nila sayo?
People come and go. Sabi nga nila kung may taong tatalikuran ka let them.. Wag mong pipigilan. Kasi dun mo malalaman kung sino yung matitira at never kang iiwan.
No comments:
Post a Comment