Sunday, April 24, 2016

Tula

Isang bagsak,  puro halakhak
Ngumiti ng may kasamang halak
Sumipa at tumamang parang alak
Puso ko'y natutuwat nagagalak

Ligaya na dulot ng magandang salita
Namumutawi sa aking mga panata
Pag ako'y iyong muling makita
Di ka na muling manlalata

Ibig kong bigkasin mga kataga
O kaya'y mga talinghaga
Sa babaeng aking lubos ang hanga
Na walang ikukubling tunay na saya..

Sadya bang binigay ng tadhana
O ipinilit lang ang mga gawa
At di natin alintana
Mga bagay na nakakatuwa

Unang kita sayo'y may duda
Baka ako'y iyong iadya
Pero kabaligtaran ng asa
Sa iyo'y labis na namangha
Pinagmasdan kitang buong giliw

Walang kabig ipahiw
Kwentuhang walang maliw
Tunay na ika'y nakakaaliw
Katawang malusog

Mga ngiting mairog
Pwede sayo'y mahulog
Dahil puso'y yong binusog
Labis ang aking pasasalamat sa'yo

Ika'y dumating sa buhay ko
Nagkakulay ang mundo
Daglian iyong binago
Ikaw ang swerte sa kin
Utol kung ika'y tawagin
Laging bibigyan ng pansin
Karapat dapat mahalin..
>>from Kuya Dex (Tol)

No comments:

Post a Comment